Nung bata pa ako ang sabi ng lola ko anak kumain ka na papasyal tayo sa luneta,
ako naman at nang aking mga pinsan ay nag-unahan ubusin ang pagkain at dali- daling
tumakbo patungong terrace namin, para duon ay maglatag ng banig at unahan sa pagpikit.
Si lola ay nakaupo at may dala-dalang pamalo,panakot sa mga apo;
nang napansin kong tulog na ang mga pinsan ko, patay ako na lang pla ang gising,
binuksan ang isang mata, naku! andun si lola na nakatingin.
Nag tulug tulugan ako para di ako mabisto, ng natyempuhan kong si lola ay wala;
agad akong bumaba, tahimik ang paligid tila sila ay wala.
bigla naman akong natakot sapagkat baka ako ay mapalo,
pag-akyat ko sa taas naku! si lola naktingin ang sabi sa akin "saan ka galing?"
wala akong nasabi kundi ang "napailing" sabay sabi ni lola hindi kana sasama sa amin,
paggising nila kame ay kakain ng ice cream..
Ako'y napayuko pabalik sa higaan ng aking pagmasdan ang aking mga pinsan,
himbing sa pagtulog tila walang pakialam sa ingay na maririnig mula sa kalayuan.
"tililing-tililing" naku! ayan na ang ice cream, baka sila ay magising,
habang papalakas ang tunog ito pala ay papalapit na sa amin.
tinawag ni lola ang "ice cream" at mukhang bibili ata,..
isa-isa na silang bumabangon, agad akong tinanong "bakit di ka natulog?
wala ka tuloy ice cream..,
Dumungaw ako sa ibaba, isa-isa na silang bumaba
ako na lang ata ang wala =,(
para tuloy akong napahiya..
Napansin ako ng aking lola na para akong nakakaawa,
tinawag niya ako't sinabi sa susunod huwag matigas ang ulo,
agad naman akong sumagot ng "opo hindi na po mauulit lola ko "
Binigyan ako ng pera at dali-dali akong bumaba, nung kami ay nasa baba
napatingin ako sa itaas si lola ay nakatingin at tuwang-tuwa sa amin..
Ngayon ay miss ko na ang aking yumaong lola, lahat ng bagay na nagpsaya sa aming mga apo niya.
Ang pagpasyal sa luneta, doon kakakin ng sama-sama.
Ang pagligo sa dagat,kasama silang lahat.
Ang pangaral ni lola, na ayaw ko pang maniwala.
Ang pag-disiplina ni lola, na akala ko ay di tama.
at higit sa lahat ang makita kaming lahat.
O' kay bilis ng panahon, bawat pagkakataon ay may nagdaang bakas ng kahapon.
ang pag alala sa lumisan ay di kailanman malilimutan.
Mahal kong lola alam kong nasa mabuti ka,
kaming lahat dito ay miss ka na.
Sa pagdating ng panahon makakasama ka rin namin doon.
tayo ay magkikita, magsasama at muling magiging masaya.
We love you Mamang.. =)
No comments:
Post a Comment