Saturday, October 30, 2010

cH0COlate

Sa iyong kulay ako'y napatingin,
Sa amo'y mong taglay gusto kitang kainin.
Iba-iba ang hugis,
Kahit anong uri'y ikaw ay matamis.

 Ang lasa mo'y walang kasing bangis,
Sa panlasa ng mga tao ika'y nakakamis
May okasyon man o wala ika'y laging nandyan,
Bawat pangalan mo'y di malilimutan.

Parang nasalangit pag ika'y natitikman,
Ayaw kumawala sa aking kalamnan.
Kahit gutom ay iyong natatakpan,
Wag ka lang mawala sa aking harapan.

Ikaw ang takbuhan kapag may suliranin,
Kahit kasing lalim pa ito ng isang bangin.
Nandyan ka para ako'y iyong libangin.
Salamat karamay,
Salamat sa iyong bigay.
 - bLog ni mae

No comments: