Saturday, October 30, 2010

wAG m0ng sUbukan...

Wag mo kong mahalin,
dahil puso ko'y sa iba nagmamahal ng lihim.
Wag mong ialay ang iyong pag-ibig
dahil diko kayang suklian
ang iyong ipinahihiwatig.
Puso mo'y iyong pigilan
na sa aki'y umibig at umaasam
dahil puso ko'y iba ang nilalaman.
Alam ko kung gaano kasakit
na magmahal at di kayang mahalin pabalik.
Alam ko kung gaano kakirot
na puso nya'y iba ang syang itinitibok.
Dahil ako'y walang ipinagkaiba
sa iyo na umiibig at
di kayang ibigin ng sinisinta.

No comments: