Saturday, October 30, 2010

Sana Ikaw na lang ...

Kaya huwag ka munang aalis
Hindi mo lang alam,
Ikaw lang ang makakapagpakalma sakin
'wag ka munang aalis sa aking paningin
Dahil sayo lang ako mahihimbing
Bakit ba kasi hindi na lang ikaw at ako?
Para mas masaya...
Mas tahimik at mas payapa
Bakit ba kasi ang manhid mo?
Di mo nararamdamang ikaw talaga,
ikaw at ikaw lang ang mahal ko.
Huwag ka munang aalis,
Gusto ko pang makasama ang iyong presensya
Di n'ya ko iniintindi at pagod na ko magpaliwanag
Kailangan kita at akoy sobrang pagod na
sa away at gulo ng aming pagsasama
Bakit ba kasi hindi na lang ako ang mahal mo?
Kaya ko namang iwan ang lahat para sayo
Kahit siya, kahit sino -iiwan ko para sayo
Bakit ba hindi na lang maging tayo?
Sana ikaw na lang para kaya ko lahat ng sakit
Sana ikaw na lang para ang bawat luha
at bawat sandali ng hinagpis
ay may kapalit na tamis.
Sana ikaw na lang ang dahilan ng aking bawat ngiti
at ang siyang papawi ng dinaranas na pighati.
Sana ako na lang ang kasiping mo sa gabi
at syang kasa-kasama mo sa bawat sandali
Sana pangalan ko na lang tinatawag mo
Sa twing kailangan mo ng aalalay sayo
Sana ako na lang ang nasa isip mo
Sa twing ikaw ay masaya o malungkot
Sana ikaw na lang ang siyang inaalala ko
Kapag akoy nanlalamig at natatakot
Sana ikaw na lang ang pagaalayan ko ng aking lahat
at syang mamahalin ko ng lubos at tapat
Sana ako na lang ang iyong pinapangarap
na magiging kasama mo sa iyong hinaharap
Huwag ka munang aalis
Wag ka munang gagalaw
Kailangan pa kitang makita
Kailangan ko pa ang 'yong presensya
Mahal kita.
- by jessie

No comments: