balang araw
darating din ako
sa payapang dako
na siphayo
ng aking puso
balang araw
maririnig din
ang hinabi kong
nota alay sa bituin
balang araw
susunguin ang
hirap at saya
ng mataimting dalangin
at balang araw
makakamit din
ang sumpang binitiwan
ng hangin....
na sa paglaya'y kasama ka..
na sa buhay ay kapiling ka..
balang araw, balang araw
haplit ngiting magiging isa......
No comments:
Post a Comment