Monday, November 1, 2010

pR0bLEma Kita..

marami na ang nagbago, at patuloy ang pagbabago
marami na ang nangyari at marami pa ang mangyayari;
sa loob ng mahabang panahon, konti lang ang nagawa ko
para sa taong binago ako, ako at ang pagkatao ko.
noon, ginagawa ko ang lahat ng gusto ko,
lahat na walang gumugulo sa isip ko;
ngayon, sa bawat desisyon na gagawin man,
ay may tao akong 'di dapat kalimutan.
sinasalo mo ang problemang sa akin lang nababagay
binigay mo ang saya at tiwala sa aking buhay;
noon, sa dami ng problema, hindi ko na makayanan
pero ngayon, ikaw ang problemang di ko kayang tanggihan.
nasubaybayan ko ang paghihirap mo sakin
saksi ako sa mga luhang ako ang siyang salarin;
ako ang taong minahal mo't isinuko noon
na ngayo'y aking problemang pinaglalaanan ng atensyon.
problema ko kung pa'no kita pananatilihing masaya
tanggalin ang luha't palitan ng ngiti sa mukha,
umiwas sa mga bagay na nakaksakit na
isang problemang ako, ako na ang gumagawa.
problema ko kung pa'no pa kita mamahalin
pasiglahin ang nasimulang relasyon natin;
ayokong luha na lang ang nakikita sayong mga mata
pero ang problema, ako, ako ang siyang nagdadala.
problema ko kung pa'no pa kita aalagaan
punan ang pagkukulang at ika'y pagsilbihan,
baka magkamali ako't ika'y aking masaktan
isang problemang ,ako, ako na ang may kasalanan.
problema ko kung pa'no pa kita lalambingin
iparamdam kung gaano ka kahalaga sa akin;
baka sa paglaon ika'y magsawa't mag-iba,
isang problemang ako, ako mismong gumagawa.
problema ko kung sa akin, ika'y mawawala
talikuran ang pag-ibig aking ipinagkatiwala,
ikaw ang problema na sa aki'y ipinaubaya
"kaya, pwede ba kitang maging problema, hanggang sa pagtanda?"
buhay makata

No comments: